Posts

ILLEGAL LOGGING

Image
       I. SIMULA                                Ano nga ba ang kalikasan at illegal logging?         Ang Kalikasan ang isa sa pinaka pangunahing pinagkukunan ng mga tao ng mga pangangailangan. Ang ating kalikasan ay isang kayamanang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Napakadaming bagay ang naidudulot sa atin nito tulad ng tirahan, damit, pagkain, kagamitan, gamot at iba. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas ng antas ng likas na yaman sa buong mundo.        Sa kasawiang palad, unti-unti nang nasisira ang yaman na ito. Labis na ang pang aabuso ng tao sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng kaingin, pagpuputol ng mga troso, pangingisda gamit ang dinamita, pagtatapon ng basura kung saan-saan at pagpapatayo ng mga pabrika na sumisira sa hangin. Dahil dito, tayo ding mga tao ang unang naaapektuhan ng mga pang-aabusong ito. Taun-taon ay dumarami ang mga lu...