ILLEGAL LOGGING


     I. SIMULA 

               

            Ano nga ba ang kalikasan at illegal logging?


      Ang Kalikasan ang isa sa pinaka pangunahing pinagkukunan ng mga tao ng mga pangangailangan. Ang ating kalikasan ay isang kayamanang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Napakadaming bagay ang naidudulot sa atin nito tulad ng tirahan, damit, pagkain, kagamitan, gamot at iba. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas ng antas ng likas na yaman sa buong mundo.


     Sa kasawiang palad, unti-unti nang nasisira ang yaman na ito. Labis na ang pang aabuso ng tao sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng kaingin, pagpuputol ng mga troso, pangingisda gamit ang dinamita, pagtatapon ng basura kung saan-saan at pagpapatayo ng mga pabrika na sumisira sa hangin. Dahil dito, tayo ding mga tao ang unang naaapektuhan ng mga pang-aabusong ito. Taun-taon ay dumarami ang mga lugar ang binabaha, landslide, pagbabago ng klima at "GlobalWarming" o pagtaas ng temperatura dulot ng pagkasira ng Ozone layer. Sa mga ganitong pangyayari, di lamang ari-arian ang nawawala kundi pati buhay ng maa tao.


May mga batas ang ating Bansa ukol sa

Pangangalaga sa kalikasan.


PD 705 o "Revised Forestry Code"

Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapag ilaan para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan a maaaring putulin, patina rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang Bureau of Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong Mayo 1975.


Ngunit dahil sa mga naka upong Politiko na ang ini isip lamang ay ang kumita ay halos hindi na din maipatupad ang mga batas na ito. Patuloy pa din ang Illegal Logger sa pagputol ng kahoy.


Sino nga ba ang may kasalanan kung bakit nananatili pa din ang pagkakaroon ng illegal logging? Tayo bang mamamayan o ang gobyernong ating kinabibilangan?


Ang disiplina ay nagsisimula sa ating mga sarili.

Dapat alam natin ang tama at mali. Hindi dapat natin iniisip ang ating pansariling interes. Kaya dumadami ang illegal logging dahil sa mga tang walang kunsensiya at walang pakialam sa kalikasan. Dapat muna nting isipin kung ano ba ang masamang magiging epekto nito sa ating lahat. Madami pang ibang paraan, mayroong batas na dapt sundin ang bawat isa. Maging responsable tayong mamamayan, at huwag tayong magpasilaw sa perang kikitain natin sa illegal na gawain.


II. KONKLUSYON 


Ang mga Illegal loggers ay kumikita ng malaki sa pamamagitang ng pagputol ng mga puno kahit na ito ay ipinagbabawal. Kung mas madami ang mga programa o proyekto tungkol sa mas madalas na pagtatanim ng mga puno at paghahalaman mas madaling mapalitan ang mga punong naputol na. Maaaring putulin ang mga matatandang puno base sa permiso mula sa nakakataas ngunit papalitan muna ito ng bago bago putulin upang sa gayon ay siguradong buhay na ang halaman o ang puno bago putulin ang matatandang puno upang sa ganun ay maiwasan ang pagka ubos nito na nagging sanhi ng ibat ibang uri ng sakuna ng mga kalamidad.


-Bilang isang magaaral, o mamamayan kalikasan ay ingatan, kalikasan ay pagyamanin, polusyon ay sugpuin. Kalikasan nito’y ating ingatan, dahil ito ang ating tahanan kaya kailangan natin itong protektahan at alagaan, basura ay wag itapon kung saan saan, pag nagalit ang kalikasan, para tayong basura na makalat sa daan, para sa pagiwas sa polusyon yan ang tamang solusyon illegal logging ay iwasan upang hindi ito magdulot ng pagbaha at masamang epekto sa atin. At para sa akin kalikasan ay alagaan, para sa ating kinabukasan handa itong pangalagaan para sa ating ikakaunlad, ikakaganda, ikakaayos, ikakaginhawa ng lahat para sa kinabukasan ng mga kabataan. 


 

Comments